@era222 said:
@_jk said:
Nung nag lodge ba kayo ng Visa Application, nagpa medical na kayo agad kahit wala pa sinasabi si CO?
Di ko lang mahanap sa forum yun dati kong nabasa na hintayin muna si CO magsabi bago magpamedical.
Yes. Pwede naman gawin mo agad or wait mo si CO, ang kaibahan lang is if gawin mo agad note mo lang na baka magexpire medicals mo so you risk paying at doing the medicals again. Ginawa ko na agad kasi hoping not to have CO contact at mapabilis somehow ang processing.
Share ko lang yung nangyari sa amin.
We did our medicals habang wala pang CO last October 2022. Tapos merong findings sa xray namin na ni-require na mag sputum test dahil may opacity sa xray (kahit walang history ng TB). This took us around 3 months including the booking of appointments and result bago na-clear ang medical.
We got our CO contact din ng January buti nalang clear na kami. Imagine kung naghintay kami ng CO contact tapos nagkaproblema sa medical, ang delay namin will be January onwards.
Of course ang downside ay pwede pong magexpire ang medical. ๐