@_jk said:
Hello ulit!
Mas mura kasi ng 1200 ang IOM (7250) compared to SLMC BGC (8450) for PR Visa medical.
Parehas silang cash only basis, kay SLMC kailangan mabayaran mo muna yun reservation slot within 5days para mabigyan ka ng confirmation slot pero kay IOM same day ang bayad.
Any feedback sa IOM vs SLMC? Wala pa kasi akong makita sa forum na feedback nila. π
Sa SLMC BGC, not too many people nung slot ko na 11:30. That was on a Monday. Nakita ko sa list nila na parang 5 people lang per time slot ang allotment, pero pagdating mo dun maaabutan mo yung mga mas maaga ang appointment. Okay naman yung actual day of medicals, maayos at hindi gaano katagal yung waiting time. Dumating ako dun on time then did my blood test, xray, and urinalysis, tapos pinabalik nang 1:30, pinag-lunch muna kami. Then maayos din pagkabalik for doctor's examination, may nagaasikaso ng order of applicants dun so 'di ako namoblema na baka masingitan or something like that. I ended mga 3PM na, which isn't too bad.
Sa isang room lang lahat, di mo need lumipat. I expected na magiging disorderly pero not at all π