Share ko lang Experience namin sa SATA Uttamram (bedok)-SG
After namin mag Lodge ng application nag Book na kami sa Sata Bedok. Bale 3 Clinic ang pwede pagpilian dito sa SG: Point Medical Group, SATA CommHealth Uttamram (Bedok), Raffles Executive Medical Centre. Yung SATA Commhealth Ang Mo Kio Medical Centre Centre - Temporarily closed until further notice.
Sa tatlong pwede, Sata Uttamram ang pinili namin kasi madali lang mag book sa website nila. Sa point medical, need mo mag message para makapag appointment. Sa raffles, mejo mahirap hanapin yung option for aus visa medical kaya di na namin masyado hinanap sa website.
Nag prepare kami ng (1)printed copy of referral letter na makikita sa immi account kapag nakapag lodge na, (2)printed copy of vaccine records na pwede i download sa healthhub website, at (3)Passport. Akala namin pati Spass need kasi hinanapan yung ibang naka pila pero Passport ang mas kailangan nila para sa Visa Application na Medical.
Note sa text message samin arrive 15 mins before appointment time daw. Appointment namin is 8:30 pero nag-open sila ng 8:25.
Pagkatapos sa check in counter, derecho kami sa records counter kasi kami kaunahan sa pila. After ma-input yung data namin, pinapasok kami sa loob para mag queue sa 3 stations for medical. Pina-bihis na kami agad ng gown kaya akala ko xray ang unang station. Mejo uncomfy lang kasi paikot ikot kami sa clinic tapos wala akong bra haha. Sana pala saka ako nagpalit ng gown nung tinawag na kami for xray sa counter 4.
1st station namin is room 12, sa GP doctor. Same doctor na kami pinapunta since mag asawa naman kami. Tinanong lang kami ng medical history, hingang malalim sa stethoscope, kinapa yung tyan for discomfort, tapos sinilip yung tenga, tinanong kung sumasakit ba tuhod, ako kinapa yung boobs ko for lumps kasi sabi ko di ko sure kung pano pakiramdaman kung may lumps man(babaeng GP naman sya), etc. yan yung mga naalala ko.
2nd station sa counter 7, kukunin bp, height & weight, eye test, at blood test. Yung husband ko nagka problema sya kasi di makapag draw ng blood sa wrist nya, ang ginawa is sa may bandang knuckles sya kinuhaan ng dugo.
3rd sa counter 4, xray. Pinatali yung buhok ko saka chineck kung may accessories ako. Isang tunog lang ng machine okay na daw.
After ng lahat ng test, pinalagay samin yung folder sa may Cashier counter. Antay onte, tapos nagbayad na. Ang bait nga nung auntie na nag input ng data namin, inexplain nya lahat ng gagawin tapos sinisigurado nya kung na gets ba namin yung sinabi nya, kapag hindi, inuulit lang nya tapos naka ngiti. Binigay pa nga nya email nya sakin tapos sabi i message ko daw sya kung gusto ko nung copy ng medical report namin para masend nya saking ng libre. idederecho na kasi yung report sa australian immigration. Kung gusto namin ng copy may bayad daw.
Sa tingin ko maganda na Saturday morning kayo magpa-schedule ng medical para maganda ang mood ng mga tao sa clinic hehe.
Anyway, after 4 working days daw yung result sabi samin, pero, nag upload na yung sakin within 1 working day, sa husband ko kinabukasan pa. Waiting game nalang talaga huhu. Hopefully, mapabilis ang processing times para di na namin kailangan ulitin yung medical, nbi, at coc namin, at nating lahat na applicants ๐