Hi guys, sharing a short summary of our BM last August 2023. Sana makatulong.
Aug 6 - flight @ 1:00pm thru cebpac. We arrived in NAIA T3 3 hrs before our flight. Since 1st time to enter Australia, need magbayad ng travel tax. Sa check in process, need buksan lahat ng checked in baggage for all flights bound to Australia. Requirement daw ito ng Australian Gov. Hindi naman chineck isa isa yung laman, parang nag swab lang sila sa loob or something na pinahid pahid sa mga gamit namin. Kinabahan lang kami kaya di na namin masyado nakita yung way ng pagcheck nila kasi mas tinutukan ko yung mga gamit namin kasi biglang pumasok sa isip ko yung laglag bala modus. Sabay sabay pa naman binuksan yung 3 luggages namin. So I suggest na wag nyo ng ipashrink wrap yung gamit nyo kasi masasayang lang. Then pagdating sa immigration, sobrang haba ng pila pero dahil pregy si wife, sa priority lane kami. Smooth lang yung process, we just showed our visa, passport, boarding pass and e travel, and wala ng questions from IO. Pinapasok na agad kami. So medyo maaga kami nakapasok ng boarding gates kaya kumain muna kami and nagtake out ng food para sa flight. Then 1hr prior departure, umupo muna kami sa ibang gate while waiting. Tapos naisipan kong icheck yung mismong boarding gate namin which is located sa baba pa (cant remember the gate #) and ayun, nagulat ako ang haba ng pila and andun na mostly mga kasabay namin sa flight. Kaya pala may pila kasi binubuksan din isa isa lahat ng hand carry baggage. So pumila na din agad kami. Kung ano yung ginawa sa checked in baggage sa labas, ganun din yung ginawa sa mga hand carry items. Tapos pinatapon mga water na dala namin. So I suggest na hanapin nyo na agad yung boarding gate nyo once nakalusot na ng immigration. And also, wag na kayo bumili ng bottled water kasi masasayang lang din. Pwede naman humingi sa FA during flight.
So we arrived in Melbourne @11:30pm. During arrival sa airport, swabe lang sa immigration since PR visa, tinanong lang if we travelled to Indonesia for the last 7 days. Ewan ko kung bakit, siguro may outbreak ng covid or something sa Indonesia kaya nila tinanong. Tapos random lang ang inspection ng luggage. Tinanong lang nila if may dineclare kami sa arrival form and nung sinabi namin na meron, tinanong lang kung ano yun then hindi naman na binuksan yung luggage namin. As long as wala daw pork products. Special mention pa yung chicharon and lechon. Medyo nagsisi pa kami kasi tinanggal namin sa pinas yung ibang foods tapos di naman pala bubuksan. Hehe. Pero ayun nga, it's better safe than sorry kaya okay lang.
Nagbook pala kami 1 week prior arrival sa airbnb for 25 days while naghahanap ng work and apartment. Good thing we have friends here in Melb na tumulong samin sa pagcheck in sa airbnb. They even booked us an Uber from airport to airbnb.
Aug 7 - gala with friends then secured a sim through vodafone. Nag avail na kami agad ni wife ng sim plan for 55 Aud per month. Pinagamit muna ng friend namin yung bank account nya for the meantime para sa application. I suggest pwede din kayo kumuha ng sim lang muna na prepaid thru Coles or woolworths which is cheaper if ayaw nyo pa muna mag avail ng plan.
Aug 8 - bank account verification. Opened account 1 week prior pumunta dito sa Melb sa Commbank as per advice ng mga nagBM na. So we just needed to go to the bank para sa verification, however, pagpunta namin dun, for appointment pa pala ang pagverify, so they told us to come back after 3 days para sa verification. After verification pwede na magtransact, yung physical card ay ipapadala sa postal address after a week.
Sa money transfer pala, since BPI ang account namin sa Phil., nagtransfer kami thru BPI outward remittance. Nasa around 3 to 4k ang charge per transaction kaya mas okay if lakihan nyo na agad ang transfer. Ok naman ang exchange rates. It took 3 days bago pumasok sa commbank acct namin yung pera pero yung pagdeduct sa BPI acct, instant kaya wag kayo kakabahan if makaltas agad sa BPI acct., as long as correct details ang nilagay sa online form. So double check prior submission. Pero don't do this if hindi nyo pa naveverify in person yung commbank account nyo. Not sure lang sa other Au banks.
Aug 9 - applied for Medicare at Services Aus. Paper form kami unang nagapply dito. They only needed a photocopy of passport and visa from VEVO. After 3 days, tumawag ako sa hotline to follow up since need na namin yung medicare for my wife's check up. Then sabi nila may mga missing items daw yung form na nafill up namin kaya we need to recomplete the form tapos email nalang daw sakanila. Kinabukasan, tumawag ako ulit and ayun, prinocess na nila yung application namin while on the phone. Siguro around 45mins kami nagprocess thru phone call then after nun, binigay na nila yung medicare # namin. Tapos yung card ay ipapadala nalang sa postal address. Address ng friend pala namin yung nilagay namin na postal address for all of our applications kasi nga nasa airbnb pa kami. After 1 week dumating na si physical card.
Aug 10 - TFN application. We tried to apply thru Aus. Post kaso kulang kami sa documents. Wala pa kasi that time yung medicare card namin which is requirement for identification check. Then our friend told us na pwede palang online and no needed docs to submit. So ayun, nagapply kami sa website ng ATO. After 1 week nareceive na namin yung TFN again sa postal address ng friend namin.
Aug 11 to 18- apartment and job hunting. For apartment, nagbook lang kami ng nagbook ng inspections sa realstate.com, rent.com and other rental sites. Yes totoo nga, kasing hirap ng pag hanap ng work and paghanap ng apartment dito. Sobrang tight ng competition, every inspection na pinupuntahan namin ay andami namin kasabay. Syempre mas malakas application nila kasi may rental history na sila and complete documents. Kami visa and bank statements from Philippines lang ang laban namin. Then our friends advised us to offer the agents ng advance payments or +5 to +10 dollars sa monthly rental para daw magkaedge kami sa ibang nagaapply. So ayun, we continued inspecting properties tapos nung may nagustuhan na kaming unit, inofferan na namin ng 3 months advance payment and ayun, nakuha na namin yung unit. Maswerte lang kami kasi may naitabi kami ni wife na pera para makapagsimula dito sa Au. If tight po budget nyo, try to book sa flatmates.com, mas mura and mas madali daw makakuha ng unit doon.
Sa work naman, sobrang dami kong inapplyan sa seek, indeed and linkedin even nung nasa pinas pa kami. Kaso hirap talaga makakuha ng work if wala ka mismo dito sa Au. Ang unang step kasi ng job application ay phone interview and since hindi siguro nila ako matawagan sa phone kaya walang nageentertain sa mga applications ko sa pinas. Pero nung andito na kami and nilagay ko na yung Aus mobile # ko, ayun na,may mga tumatawag na. During job hunting, yes, madami din akong natanggap na rejections. Nakakapanlumo minsan kaso syempre di dapat tayo mag give up kaya apply lang ng apply. Luckily after 2 weeks nakahanap na din ako work.
Aug 19 to 28 - Buying stuffs for apartment and moving in. Bali nung nakuha namin yung apartment, we agreed with agent na last week of august kami magmove in, just so hindi naman sayang yung stay namin sa airbnb. So during this time, explore lang kami sa area. For gamit sa bahay, sa Kmart and BigW kami bumili. Nung nasecure pala namin yung unit wala pang electricity and water supply. So sa electricity, tumawag kami sa Origin (energy supplier) since yun ang sinabi ni agent na pwede. It took 3 days bago nagkaroon ng electricity. Remote lang yung pagconnect nila so no need na puntahan pa ng mga technician. Sa water naman, si agent na ang nag asikaso kaya instant may water na sa unit. Then nung nagkaroon na ng elec., inunti unti na namin nilipat mga gamit namin.
Aug 29 - start of work.
Ayun guys, sana makatulong. Keep your faith and see you soon here in OZ. God bless!