Hello po! Mag-DIY po ako for EOI, pero 'di ko pa po masimulan kasi still waiting for my assessment. Just trying to be maagap. May gusto lang po ako i-verify:
- Ano pong mga usual na information/documents needed for EOI? And ROI (for VIC)?
So far, ang nakita ko po ay:
Assessment result
English proficiency result
Given name, family name (included po ba sa given name yung family name?)
DOB
Country of birth
Gender
Passport, citizenship info
Place of residency
Relationship status
Ito po ay prinovide na rin naman nung skills assessment, noh? May mga bagong info/documents po ba na kailangan, except sa assessment, English, and NAATI?
Tama po ba na one EOI = one visa type and one state/territory? 190/491 po ang options ko and eyeing VIC and NSW. So bale, if mag-lodge ako for both subclasses and both states, 4 EOIs po ang isusubmit ko?
Sa ROI po for VIC, both subclasses po ba ang iindicate? Nabasa ko po na only 1 ROI can be active kasi.
Sa declaration of employment, ililist ko po ba lahat ng work experience ko kahit yung period na hindi positively assessed?
Ang resources na tinitignan ko po for this process ay Immigration website, Live in Melbourne, and NSW. May iba po ba kayong mare-recommend for small details pa, na nakatulong sa inyo?
Sorry po if medyo mahaba and madami ang tanong. Nagbackread po ako, pero ang hirap makumpleto nung big picture. First time ko rin po mag-DIY kasi nag-agent ako sa skills assessment. Eh kaso wala na po akong budget pang-agent from EOI onwards.
Sana po may makagabay. Marami pong salamat at pagpalain kayo!