@jcrdream said:
@tigerlance said:
@jcrdream said:
Also, in regards to name change β meron ba ditong naka-experience na yung name ng parents sa birth certificate ay iba sa legally used names nila? Ang dami kasing nicknames at aliases na ginamit ang parents ko noon, 'di pa sila aware na may bearing. May name change ruling naman sila for their own documents. Kaso, yung birth certificate ko wala pa so old names pa rin nila nandun.
They're not included in my application (solo applicant lang ako) pero nakita kong hinihingi ang info ng parents/siblings, so just want to know if this could affect my application? I will declare accordingly pero just want to be prepared in case I need to find workarounds para dito.
Maraming salamat.
Kung ang birth certificate mo, dapat tugma ang name na idedeclare mo sa parents name. If not, kailangan mo ayusin sa local civil registrar saka ipapadala sa PSA QC, then makiusap sa PSA Quezon City na ifastrack para magkaroon ng remarks yung birth certificate mo. Aabutin ng 6 months if di mo tinutukan and magfollow up. Kung wala naman sa birth certificate mo, ang problema ay birth certificate nila, ideclare mo nalang sa Form 80 na other names known by kung nagapply ka ng visa. Hindi EOI ah.
Pwede ka siguro sumulat sa kanila, then ilagay mo na requirement sa visa application sa PSA QC. May mga requirements na medyo marami rin.
Salamat sir. I-research ko ang proseso para masimulan. Hayst, ang hirap talaga kapag may problema sa mga dokumento.
Mas ok nga na maayos yung mga documents from the start.
Pero di naman hihingin sa visa application yung birth cert or documents ng parents mo. Sa form 80, ilagay mo na lang yung name na gamit nila sa birth cert mo para kahit pano consistent. Di rin naman sila kasama na mag migrate, so I dont think may effect yan sayo.
Someone correct me, please, if Im wrong, kasi sa application namin wala naman ako inattach na documents pertaining to my parents. Wala pa rin CO contact though, di ko sure kung hihingin nila. Pero parang sa mga nagrant na recently, wala rin sila inattach na parents docs.
I think, at the end of the day, kung gusto mo nga na panatag ka, ipaayos mo na lang rin habang maaga. Nasa EOI stage ka pa lang rin naman yata.