Just to share my experience on PH Immigration.
I'm currently holding 491 visa and currently working na sa AU, umuwi ako ng pinas para sunduin ang mag iina ko. Madami ako na basa sa forum na hindi na daw ng need ng OEC, siguro eto yung first time palang papasok ng AU at wala pang work, since wala pang maveverify si POEA na work contract.
Pero para dun sa may mga work na, ibang case. Tinanong ko si POLO Australia and ang reply nila considered OFW and 491 visa holiders, so need mag pa verify ng contract at ng OEC para makalabas ng Pinas.
Fastfoward after maverify and contract (shout-out sa POLO Australia kasi na expedite nila yung verification ko kahit loaded sila hehe sila ang government agency from PH na sobrang dali kausap at ang bilis mag reply) and yung OEC sa Pinas ko inasikaso kasi wala dito sa AU. Yung experience ko nag pag kuha ng OEC sa POEA (Madaluyong Branch) is smooth. Pag dating ko diretso nako sa verification windows kasi nga na verify na ni POLO Australia ang contract. Walang pang 30mins tapos na ako sa POEA.
Pag dating sa Immigration, ayun na nga. Buti ready ako lahat ng documents, hinanap ni officer ang ff na documents.
Copy ng Visa PDOS (sabi ko wala ako nito, then pinakita ko email from CFO na hindi need ng PDOS ng 491 visa holders, so na convince naman si Officer at no more question regarding PDOS)
Employment Contract (Hinanda ko din ito, pero di ko inexpect na hahanapin to) OEC (buti na ayos ko to, kung hindi baka hindi ako pinalabas hehe)
Tinanong din si misis kung may work sa Au, sabi namin wala. so hindi na sya hinanapan ng mga ibang documents.
Based lang ito sa experience ko. hehe