Roberto21 Hello, share ko lang experience ko from PH nung nag big move ako last 14 November with 491 visa. Nung turn ko na sa IO, pinicturan agad ako, tapos nung nag bbrowse na siya ng visa ko, tinanong kung dependent ako, sabi ko hindi, ako lang yan, tapos ito na nga, ano daw gagawin ko sa Australia. HAHA sabi ko pwede mag study or work, at dun na ako mag sstay. Hindi pa din siya convince, kasi parang migrant daw ang dating pero bakit wala ako PDOS. Sabi ko hindi need ng PDOS for that visa, hindi pa din talaga siya na convince, umalis siya sa booth. Ang tagal ko nakatayo, nag aantay. Tapos nung bumalik na siya, may pahabol pa na question "wala ka talagang relatives doon?" sabi ko wala. HAHA inexplain ko na first entry ko din at doon pa lang ako maghahanap ng work. Though may email naman ako from PH Embassy Canberra about sa OEC na hindi kailangan kung wala pa work sa Australia. Pero hindi naman siya nag ask, prepared lang din ako just in case, at ayun na nga. Eye to eye lang din makipag usap at stand your ground. HAHA