@olibrian18 hindi ganon kadami ang opening sa position natin. So hindi ko masasabing madali. Pero hindi imposibleng makakuha agad within 1 month. Tyaga lang sa pagaapply.
For example nung ngaapply ako ng job dito. Ang opening for MLS at MLT sa 4 cities - Brisbane, Melbourne, Sydney at Perth, all in all is less than 20. Sa dami ng ngaapply madami kang kakompetensiya. Sa less than 20 na yan.. 2 ang nakuha kong interview.. isa sa Brisbane at isa sa Melbourne. Pinalad nmn ako na makakuha ng job within 1 month. Nakuha ako sa Brisbane.
Sa isang job na nainterview ako, 150 applicants ang ngpasa ng resume, 5 lang kaming ininterview.
So hindi cia madali, pero hindi impossible na makakuha agad.
At very technical ang interview dito. Para kang nag-AIMS exam ulit. Yung isang interview ko inabot ng 1.5 hours tapos technical questions sa hematology, coagulation, stat micro tsaka QC and EQAP (like RCPA and NATA).
So make your resume and cover letter stand out, and prepare for the interview.
Merong iba na inaabot ng 3 to 6 months (or more) bago makakuha ng job. So hindi pareho ang experiences.