<blockquote rel="jepoy527">makikisali na rin po sa usapan. family of 3 kami at ako lang ang may full-time job pero minimum pay lang. si misis ang nag-apply ng benefits from centrelink nung first week ng march gang ngayon wala pa ring dumadating ni singkong duling sa amin.hehe!
weird lang kasi nung nag-apply si misis dala nya lahat ng docs to prove na employed ako at minimum lang sahod ko pero di naman kinuha ng staff at sinabi lang sa kanya na kokontakin na lang sya pag may kailangan pa sa amin. after a few weeks may nareceive kaming sulat from centrelink na na-receive na nila yung ni-lodge ni misis na application sa kanila pero yun nga lang, wala pa ring dumadating gang ngayon.
iniisip ko na baka dahil nakikita naman nilang may full-time work ako e dinidelay muna nila ang payments sa amin? sana sa july (EOFY) na nila ibigay...
baka meron pong katulad o medyo katulad namin ng case... magkano po narereceive nyo? gusto ko lang kasing malaman para may idea kami kung makakaipon kami at makakatulong ng konti sa pamilya sa pinas.
buti pa si @perfectbeauty ambilis ng biyaya.hehe! 😃</blockquote>
Hi @jepoy527 nung wala pa ako work nakakatanggap kami ng 300+ fortnightly included na jan ang rent assistance. You should be receiving FTB especially B kasi para yan sa household na isa lang ang income earner. ang A naman is you will receive max pag 60k or below yata ang total household income. same ang computation yata ng rent and A sa percentage makukuha i think and you will receive max amount sa rent pag 420 p.w. or more ang rent nyo. hindi kayo makakatanggap ng FTB and rental assistance pag more than 100k ang total household income.
Pag apply nyo ba ng claim hiningi ang bank account details nyo? kasi a few days after I submitted the required docs i received a call asking for my bank details.