Good Day!
I want to inquire sa pagfill-out ng EOI..
a) Pwede bang separate application at 189 and 190. Kasi napansin ko sa online pwede ilagay sa application sa isang EOI Reference Number. Para madali siyang iwithdraw kung nainvite na, para may chance naman yung iba.
b) Pwede bang iapply yung lahat ng states ng 190. Just in case my slot yung state and qualified ka?
c) Sa educational details ano ilalagay na date from, kasi sa university na pinasukan ko, ang engineering ay tuesday ang first class, hindi monday. Pero in general, ang pasok ng ibang courses ay monday.
d) Ano ang ilalagay ko sa last day sa educational details? Yung date graduated ba ang ilalagay?
e) Sa employment details pag hindi nakasama ang accessment, nagbago ang company or position mo? Since hindi nakasama yung new company or position mo sa assessment, kailangan ba ilagay na magclaim ka ng points pero hindi siya nakasama assessment. Ok naman yung assessment ko, more than 10 years na. Kung new company or position, pero hindi nakasama sa assessment pero related naman, hindi na ba siya isasama?
I am not sure, kung ito ang sagot, isasama ko siya, since hindi siya nakasama sa assessment, ang ilalagay ko lang ay hindi ako magclaim ng points kasi they will refer to the Engineer Skills Assessment as a basis.
f) Kung more than 10 years na ang experience mo, hindi na ba kailangan iinclude yung previous position or employment kahit na hindi ka naman magclaim ng points?
g) Hindi po ba kailangan ang middle name sa expression of interest?