Hello po sir @baiken or kung sino man pong makapag advise. Makihingi lang po ako ng TIPS sa inyo since nasa QLD na po ba kayo? at pareho din po tayo ng Code. Bali nakapag lodged napo kasi ako ng EOI last September 2020, minimum lang po ako nasa 65pts with positive skills assessment at offshore po ako.
Although pwede ko pa pong mapa increase ng mga 20 pa po siguro ang points ko kung ipo push ko dahil 10 lang ako sa PTE, di pa po ako nakapag NAATI at hindi pa rin nakapag take ng English test yung wife ko.
Base po sa points ko kasi at sa trend ng 189 na naiinvite sa CNP at sa mga backlogs mukhang malayo layo pa po ang aking tatahakin. Bali ang tina target ko nalang po is ang 190 or 491.
Since nakapag lodged na po ako ng EOI through agent bali ang sinelect po kasi namin is ANY. Ang tanong ko po sa inyo ay ang mga sumusunod:
Q1. Need ko po bang pumili ng state instead of ANY? Or ok na po ito?
Q2. Ano po bang state na medyo in demand ang Network/Systems/Backup/Storage/DC/DR on-premise po kasi background ko.
Q2. Kung pipili ako ng State, ano po ang mainam?
Q3. Or kung mag reregional po ako ano ang mas magandang state na hindi ko pagsisihan in the end dahil hindi makahanap ng work related sa field ko?
Medyo bothered po kasi ako dahil ANY lang po ang pinili at advised na rin ng Agent sa akin dahil ok lang daw ang ANY. Pero yung mga napapanood kung mga YT video ng mga Agents din sa OZ is inaadvised nila yung pumili ng state, naka base po kasi ako sa Abu Dhabi, UAE.
Salamat po ng marami sir or sa mga sasagot.
God Bless to all! π