@koyodenzo said:
Hello po sir @baiken or kung sino man pong makapag advise. Makihingi lang po ako ng TIPS sa inyo since nasa QLD na po ba kayo? at pareho din po tayo ng Code. Bali nakapag lodged napo kasi ako ng EOI last September 2020, minimum lang po ako nasa 65pts with positive skills assessment at offshore po ako.
Although pwede ko pa pong mapa increase ng mga 20 pa po siguro ang points ko kung ipo push ko dahil 10 lang ako sa PTE, di pa po ako nakapag NAATI at hindi pa rin nakapag take ng English test yung wife ko.
Base po sa points ko kasi at sa trend ng 189 na naiinvite sa CNP at sa mga backlogs mukhang malayo layo pa po ang aking tatahakin. Bali ang tina target ko nalang po is ang 190 or 491.
Since nakapag lodged na po ako ng EOI through agent bali ang sinelect po kasi namin is ANY. Ang tanong ko po sa inyo ay ang mga sumusunod:
Q1. Need ko po bang pumili ng state instead of ANY? Or ok na po ito?
Q2. Ano po bang state na medyo in demand ang Network/Systems/Backup/Storage/DC/DR on-premise po kasi background ko.
Q2. Kung pipili ako ng State, ano po ang mainam?
Q3. Or kung mag reregional po ako ano ang mas magandang state na hindi ko pagsisihan in the end dahil hindi makahanap ng work related sa field ko?
Medyo bothered po kasi ako dahil ANY lang po ang pinili at advised na rin ng Agent sa akin dahil ok lang daw ang ANY. Pero yung mga napapanood kung mga YT video ng mga Agents din sa OZ is inaadvised nila yung pumili ng state, naka base po kasi ako sa Abu Dhabi, UAE.
Salamat po ng marami sir or sa mga sasagot.
God Bless to all! π
Q1. Need ko po bang pumili ng state instead of ANY? Or ok na po ito? for me, ok lang po to pick "ANY" for the states, it would be nice if you can submit separately per state though, you can use the same email address on all EOI's po π, your agent should know best po.
Q2. Ano po bang state na medyo in demand ang Network/Systems/Backup/Storage/DC/DR on-premise po kasi background ko. TBH, medyo mahirap po malaman saang states available yung job code ninyo, better to do your research on it, remember po yung assessing authority ay babayaran nyo to assess on a specific job code when you apply for an EOI
Q3. Kung pipili ako ng State, ano po ang mainam? kung pipili po kayo ng state, best to check po online, eto gamit ko sir na link: https://deltaimmigration.com.au/Computer-Network-and-Systems-Engineer/263111.htm not so sure though if always updated sila, for now nagsawa na ako kakatingin kasi nga halos closed pa karamihan ng states on my job code π
Q4. Or kung mag reregional po ako ano ang mas magandang state na hindi ko pagsisihan in the end dahil hindi makahanap ng work related sa field ko? i would suggest sir to try considering for visa 491 if possible, mas malaki chance for an invite, yung 189 ngayon e at least dapat 95pts ka on your EOI to at least to even expect an invite
all the best po!