hi @dnoblec, sa pagkakaunawa ko sa skillselect, it would not make a difference kung may relative ka man o wala. sabi nga ni @lock_code2004, may chance ka kung meron ka at least 60 points based sa system ng skillselect. kung tingin mo ok, punta ka sa site ng aitsl. pa-assess ka na agad. una, kelangan mo lang makakuha ng ielts na hindi bababa sa 7 sa lahat ng tests (l,r,w,s); pangalawa, mas madali sa mag-e-evaluate kung nakatapos ka ng bachelor of secondary education, major in chemistry (since you said chem teacher ka) - manghingi ka lang sa skul mo sa college ng transcript at certification na nag-undergo ka ng supervised teaching for at least 45 days; pangatlo, ito ay kung magagawa mo lang naman to increase your chances, magsama ka na rin ng mga naitagong syllabi sa mga major subjects mo, e.g., measurement and evaluation, methods of teaching, philo of educ, etc; pang-apat, hingi ka sa employer mo ngayon ng coe kung saan nakadetalye mga subjects na tinuturo mo at kung ano year level tapos age range ng mga students mo (yung sakin, nilagyan ko ng 13-17), tapos importante indicate mo kung full-time yung teaching job.
pag positive ang resulta ng app mo with aitsl, i-EOI na agad, hintay na lang na imbitahin ka mag-lodge. ang maganda dito, same IELTS result lang gagamitin mo sa DIAC (assuming within 2 years mo kinuha ang ielts by the time mag-lodge ka), since at least 7 naman lahat, automatic may plus 10 points na agad; overseas work experience = 10; age = 30?; educational qua = 15; total of 65. kayang kaya yan!
about sa relatives ulit, syempre malaking tulong na may aalalay sayo dito sa OZ pagdating mo. unang-una, kelangan mo mag-open ng bank account, mag-apply for Tax File Number, pumunta sa Medicare, alamin ang pasikot-sikot ng mga daan, i-feel ang mga bagay bagay para maka-adjust, mag-apply for driver's license.
in any case, gusto ko lakas ng loob mo, sana magtagumpay ka. May the odds be ever in your favor. ๐ God bless.