Nung bagong salta kami wala pang: internet, mobile phone, laptop, phone cards, budget airlines. Tawag sa Pinas $1+/minute, ang mahal to keep in-touch sa family. Maraming umiyak at meron din umuwi, but Iβm sure mas masaya ang mga nag pakatatag.
Ok lang konting kaba pero huwag kayong matakot, there really is nothing to worry about. The Lord has given you this blessing kaya hindi kayo pababayaan.
Also keep your sense of humor. Yung mga pinoproblema nyo ngayon pagtatawanan nyo lang down the tract so ngayon palang hanapan nyo na nang funny side. Lahat tayo may pagdadanang nakakahiya, palpak, awkward, nganga, etc. Kung wala kang ganung experience hindi ka rin βinβ.
Noon feel din namin na second-best lang kami sa mga US migrants, pero honestly sa loob namin we'll keep this secret paradise to ourselves.
Welcome to the lucky country! Sobrang blessed tayong lahat.