share ko lang experience ko...
kanina kumuha ako ng medicare at nagparegister sa centrelink...
isa lang sila ng office sa campsie, ang haba ng pila sa centrelink, kaya dun muna ako sa medicare kasi wala naman nakapila, may binigay lang saken na form tapos pagkafill-up ko binigay ko sa kanya, then niregister nako... wait daw ng 10 working days para madeliver yung card ko....
pila naman ako sa centrelink, tapos nung turn ko na, sabi saken nung babae dun,
girl: ano kelangan mo, manghihingi ka ba ng unemployment payment etc...
ako: hindi, magpaparegister lang ako...
girl: hindi mo kelangan magparegister kung wala ka ike-claim...
ako: akala ko requirement magregister sa centrelink pag new migrant?
girl: hindi na, pero ganito na lang, iregister na lang kita sa centrelink... (siguro para manahimik nako lol...)
ayun binigyan ako ng parang number...centrelink number siguro to...
(nagtatagalog yung kausap ko lol...)
next, punta naman ako sa commonwealth bank para mag open ng account...
ang bait ng nakausap ko, inexplain nya lahat...
requirements nila to open an account
passport
visa
address (temp lang, sa kaibigan ko)
postal address( office address ginamit ko)
phone number
tfn (wala ako, ok lang daw, apply na lang daw ako)
pera (natural... 10,000 aud inopen ko hahahha wish ko lang)
kelangan meron kang 2K aud na pumasok every month para wala kang $4 fee...
kaya sabi ko, dun ko ipapasok ang payroll ko...
ayun so far ok naman, andito ako sa library ngayon at nag-aantay ng oras kasi maya pako susunduin ng tropa ko lol....