<blockquote rel="Seraph"><blockquote rel="happyinmelbourne34">
Sir, opo dto kami sa Melbourne. Industrial eng'r po ung background ko and working here as demand/inventory planner sa 1 automotive MNC.
Tingin ko allowed nman po kayo n mag-stay sa relatives nyo sa Adelaide but kung dto po kayo maghahananap ng work sa Melbourne medyo inconvenient since Adelaide is 12-16 hrs by drive or 1 hr by plane. Medyo magastos kung mag tra travel kayo interstate pero nag e entertain nman po cla ng interview thru skype. By experience po kc noon, na interview ko thru skype the company was based in Adelaide.
Isa pa po, oil & gas ung background nyo pero limited po ang oil and gas opportunities dto sa Victoria, mainly sa WA at Queensland madaming oil & gas companies. Pero since civil eng'r nman po kayo medyo OK nman po ung construction industry. Sabi sa news, the Victorian govt is planning massive infrastructure projects to build roads, expand ung mga rail links, plus rail from the city to Tullamarine airport and i-expand dn po ung airport so these projects would generate jobs.
Ung odd jobs po na available, like pizza delivery pero dapat may own transpo kayo, or tipong mga kitchen hand.
Monthly expenses, depende dn po...kung plano nyo po mag rent ng 2-bedroom flat depende sa location at sa built ng bahay but on the avg rent po ay 280-350/wk for 2 bedroom.
If wala kayong car, prepare $10-15/day sa transpo , then sa pagkain/groceries nman po 2 kami budget po nmin nasa 100-120/wk.
</blockquote>
Wow, maraming salamat sa balitang to. Pero please dont call me sir kase di ata bagay at babae ako. Hehe.. Good news nga saken na marameng infra projects na parating specially in VIC. May nareceive nga akong email from Engineers australia re that. Havent read it in detail though.
Pizza delivery. Hahay.. Havent got a driving license yet. Kelangan ko na pala kumuha nun sa pinas bago ako pumunta jan at mahirap daw kumuha jan ng license. When u say kitchen hand, do u mean assistant sa kusina ng cook?๐ i actually have a tutorial job, cleaning job or staff sa fastfood in mind--would you happen to know of any?
Sabe pala nung friend ko, may mga free workshops/trainings daw jan na ino offer ang govt.
So for the accommodation, a budget of
200 per wk for a room will do, right? Ang mahal pala. So you're sharing a unit pala with somebody. Sabagay, mas makakamura ka pag may option kang magluto, right? Tas yung 100-120/wk na groceries sagana na or sakto lang na budget?</blockquote>
happyinmelbourne34, so halimbawa Adelaide ang target mo applyan kasi South Au sponsored ka, but you're in Melbourne sa relative mo while applying sa Adelaide companies, after few weeks sa pag-apply wala pa offer from Adelaide. pwede ba magwork ka muna ng odd jobs sa Melbourne pampatawid lang muna? i-hire ka ba nila kahit alam nilang South Au sponsored ka?