<blockquote rel="dreamprayhard84">@vhoythoy good day po, tanong ko lang po kasi po nagka ptb din ako ng 2005 pero nag gamot ako ng 6months at ng gumaling na ako ang naiwan nalang sa lungs ko scar, yung mga film ng xray ko dati po natago ko ng bumagyong undoy po nasira po lahat binaha din kasi kami at ang na save ko nalang certificate from lung center of the philippines at naka indicate po sa certificate na nag gamot ako at cure na ako sa tb pero po yung certificate na issue po sakn ng 2007 pa, pag nag under medical na po ba kami dadalahin ko po ba yung certificate? Dependent kasi ako ng asawa ko sa application niya. Salamat po.</blockquote>
Just bring the medical certificate with you na cleared ka na. May medical certificate is dated June 2006 and tinanggap naman sya sa application ko. Sinama sya ng clinic sa email nila together with my medical results.
Here in Singapore, advance ung technology nila and magagaling ung radiologist/ doctors. Ayaw na nila tignan ung mga old xrays ko kasi matagal na daw. They are more concerns whether may active PTB/ bumalik ung PTB. They can actually see and determine it it through xray lang. And i'm sure hindi nman ganun nahuhuli ang technology ng Australia sa Singapore. PTB scar is just a scar, "Peklat" nalang. Hindi na nakakahawa, thats why i said nothing to worry unless you are not sure na magaling kana talaga.
The main reason kaya dito ko pinili mag pa medical kesa sa Pinas. Sa palagay ko lang, mas maluwag ang Australia pag nagpamedical ka sa first world country. Which i think the main reason kaya wala ng ibang request na ginawa sa akin and diretso na visa grant (though may form 815 na kasama, its a mandatory kapag ung medical condition mo is class B yata, i forgot.
The reasons ung iba ay pinag sputum test pa rin kahit na cleared na through xray na walang active lessions/ PTB is kasi wala silang past history or hindi nila diniclared kung nagka PTB man sila dati. Ofcourse maninigurado ang Australian gov't kaya marerefer yan at ensure nila na magaling kana. Depende din sa scarring, may halata meron hindi nman halata. May mga kakilala ako na na delay dahil jan. Hindi sila nagkasakit pero may scar na nakita. Kahit sila nagtataka paano nangyari yun. Pero sa kanilang lahat, walang na deny.
Sa sputum test nothing to worry, kung magaling ka na talaga. Kasi kayang idetermine sa laboratory ung PTB bacteria sa ibang klase ng bacteria kapag tinest nila ung culture sample after few weeks.
PTB scar is lifetime. But it will not prevent us to realise our dreams. Ako habambuhay ko na iingatan ung medical certificate and ung old xray films ko. No choice. I know the feeling of those with PTB scars and may pangamba tuwing may medical. Iwasan lang talaga ung GCC countries, kasi sa kanila kahit scar lang yan, may sentensya ka na. Na reject na ako dati sa Qatar, years ago dahil jan. Pwede ka madeport. May batas kasi sila para jan. Pero Wala akong alam na bansa maliban sa GCC countries, na may malaking issue sa PTB scar.
Goodluck sayo.