<blockquote rel="kremitz">So if may history ng tb ang mag apply ng tourist visa dapat mga a year before the target flight mag apply ng visa?yung effectivity ng visa diba from date ng flight?mom ko kc nakuhaan ng tubig sa baga nya dati pa.tapos nagkapneumonia din.diko lng sure f nagks tb hehe</blockquote>
Hehehe malamang hindi kasi ibang sakit ang tb sa pneumonia. Magkakaroon ka ng tb hindi dahil sa pagod or ano man, kundi pag nahawa ka talaga sa taong may tb bacteria. Ako nahawa yata ako sa pinsan ko dati nung nagaaral kami ng college. Pero posible syang magkaroon ng lung scar. So ano man bagay/sakit na magreresult ng sugat sa lungs, pag gumaling nagiging peklat or scar. Kaya ung iba, kahit hindi nagka TB, pwedeng magkaroon ng scar. Sikat lang ang tb kasi talagang nakakahawa kapag hindi nagamot. May friend ako na based sa Gibraltar, di sya nagka tb or pneumonia pero nakitaan sya ng scar sa baga. Nagkadelay delay tuloy ang visa applications nya ng halos isang taon dahil sa mabagal na agent, busy sya, tapos pinakamalapit na medical nila daw eh sa london pa, pero naka graduate nman sya hehe