hello again, done with L-R-W part of IELTS yesterday. tomorrow would be my Speaking test.
i totally agree with what @rara_avis said at kahit BC Ph ako nagtake, we had the same set of tests. yan na yan din yung exam ko dito pinas.
ako po nahirapan talaga sa section 4 ng listening. i totally got lost on the last 6 items. yung katabi ko kinausap ako after the exam, sabi nya saken nadalian daw sya sa reading pero yung listening daw hindi na nya nasagutan yung last part din ng section 4. tapos nakichika na rin yung 2 pips na nasa likod namin, nahirapan din daw sila intindihin yung section4.
sa writing, same question, personal letter and yung task2 yung sa children should follow what their parents tell them. madali lang po yung both task. kahit sino kaya sagutan yun pero ang challenging is yung time. nagahol po ako sa time. sulat doctor kasi ako kaya sobrang naging conscious ako sa handwriting ko kaya naubos kakaayos ng sulat ko. kumain ako ng 38 mins sa task 1 and this was my downfall. dapat hindi ko ininsist na tapusin yung task 1 at dapat nagproceed na ako sa task 2. ang nangyari tuloy, maayos ang task 1 ko pero ang task 2 ko sobrang halatang pinilit lang matapos. π
goodluck po sa mga test takers and sana naman makuha ko ang required bandscore. thanks po pala sa mga napulot kong tips dito sa forum. nakatulong po yun.