@LokiJr thanks sa tips, you are so helpful in this forum. Available ang Telecom tech sa SA and Vic kailangan ko lang kompletuhin ang mga documents ulit.
@Hunter_08, yung sa mga reviewers halos pareho lang talaga sa actual exam ng reading, ang kailangan mo lang magbasa ng magbasa gaya din ng mga advise dito sa forum para mas lalong mapabilis ang pagbasa mo. Lagi mong basahin ang instructions (lalo na sa number of words).
Based sa experience ko, habang nag rereview ako, nag try akong basahin ng normal speed ang last reading passages sa IELTS8 reviewer, (minsan binabalikan ko pa ang ibang paragraph pag gusto ko talagang mag sink in sa isip ko ang story) and average umaabot ng 8minutes para maintindihan mo ng husto ang passage, in this way pag nag basa ka na ng tanong mas madali mo ma pin-point ang location ng topic na yun. Pero gawin mo lang ito kung talagang marami ka pang time sa exam. While reviewing try to do this tip also if this will work for you.