@kitchtel, ako nagpa-re-mark pero wala pa result ko. Kung ako may ganyang score, I would definitely consider the re-mark option. Sayang kasi, ang taas mo na sa ibang bands ๐ pwede mong I-indicate na S lang pare-remark mo para hindi mabago ang LRW mo. Sa case ko kasi, bukod sa gusto ko tumaas ng 7 sana ang W-S ko, iniisip ko rin na pagkakataon ito para ma-verify ko talaga ang totoong rating ko. Kung hindi talaga tataas, at least alam ko na ni-rate ako fairly.
Pag-isipan mong mabuti. Mayroon ka lang 6 weeks to decide. After that window, hindi mo na pwede pa re-mark. Iyon nga lang matagal ang labas ng result (2 months). Kumuha na rin ako 2nd exam ko panigurado. Bahala na kung alin sa 2 ang magkaroon ng positive outcome. Medyo nghahabol kasi ako sa time at mababawasan na ako ng pts for my age by next year. Kung hindi ka naman nagmamadali na tulad ko, puwede mo hintayin outcome ng re-mark bago ka magretake ulit.