@quesoboy nasa DIAC site yung Form 80, pati yung ibang mga forms pag sakaling kelangan like 1022, 1023, etc.
Yung pinaka-basis ng checklist is yung nasa ImmiAccount rin, pero pag may nalimutan ka iinform ka naman ng CO mo kung ano pang kulang. Gumawa lang ako nun ng sariling checklist ko based dun sa hinihingi sa ImmiAccount, although syempre may mga hindi magaapply sa akin like Australian qualifications (andun sya sa list pero nakalagay rin na hindi naman lahat required). Depende sa application mo, may idea ka na dapat kung anong applicable sayo bukod sa usual like passport, skills assessment letter, IELTS, PCC, tapos kung married or defacto may additional docs rin.