Adrielli, elbi or diliman? Hehe. May mga kilala ako dito na IE din. Nakita ko lang yung 476 kaya napansin ko ung thread. Anyway, wala ka bang kasabay? Pede ka pang mag recruit ng friends mo para may kasabay ka. Kung ala talaga, orgmates. Baka may orgmates ka dito at hindi mo lang alam, better check your alumni records/database. IESO or IE Circle<?> or UPIE Club or EnSoc or EngSoc. Meron ata dito sa Au. Sydney based yung dalawang kilala kong IE. May darating pa ata sa November.
With regards sa lodging, mas malayo sa city/business area, mas mura. pag mamimili ka ng titirhan, piliin mo yung may internet na libre or mura. Kasi kelangan mo talaga ng internet. Una, dahil sa job hunting, pangalawa dahil sa entertainment (FB inc), lastly para may pangtawag ka sa inyo (viber or skype). Dito ka na sa forum mag post ng ad mo regarding sa lodging, siguro 5 weeks before flight mo.
Job boards/ sites: Seek.com. au jobsjobsjobs trovit gumtree linkedin
Magluto ka. Magiging friends mo sina ham, sausages, egg, mi goreng, lucky me, murang chicken, baked beans, potatoes and si kanin. Dyan ka magsimula sa mga yan. Samahan mo na ng 2 dollars na 2-Liter milk. Wag ka muna mamasyal kapag walang mag ssponsor/libre sa iyo, wag ka ma excite, 18 months ang visa mo. Hehe.
Melbourne. Wala akong kilala. Though meron daw dun. Hehe. Sydney and Perth ung mga kilala kong isko at iska.
Pahabol: Aside sa Phone mo ngayon, dapat may secondary phone ka. Kung balak mo i-roaming ung isa, dun mo ilagay yung sim card sa hindi mo masyadong favorite na phone. Recommended na android phone or iphone primary phone mo. Para may apps la like google maps, 131500 (transport info), Navdroyd and Tripview.