Hindi ko alam ang nomination na sinasabi ninyo... ang alam ko lang NAG SIGN AKO NG CONTRACT sa employer via agency, tapos yung agency ang nag lodge ng Visa Application ko sa embassy...12nd week pa ng January ni lodge yung Visa Application, 3rd week na ng February wala paring result. Ang sabi ng agency saakin, tatawagan nalang daw nila ako once dumating yung visa sa kanila. Naiinip na ako kakahintay, pero ok lang, mag sasaideline muna sa call center para huwag magutom pamilya ko.
Alam ko pag may CONTRACT ka na, may Employer kana sa Australia hindi mo na kailangan ng NOMINATION, tama po ba?
Naka pirma na ako ng kontrata sa Australian Employer at effective yun pag na grant yung visa ko.... kawawa naman nga yung employer ko sa Australia, baka mainip sa kakahintay, November adt year pa ako na interview doon, baka wala na silang worker papano na ang mga prjects nila at ako rin, wala nang pera, ang daming babayarang mga utang...
Mag hihintay parin ako hanggang lastweek ng March...kapag wala pa...siguro i-pull out ko nalang yung papers ko sa embassy...sayang nung IELTS ko, sana huwag masayang yun....
Ano kaya ang dahilan bakit umabot ganito katagal? Siguro daw madaming aplikante, baka nasa ilalim pa ang papers ko....
Anyway, kahit ano, move on, life goes on....Sana matupad ang mga pangarap natin.... mabuhay tayong lahat!