Salamat sa concerns....
Bale ganito ang nangyari, nagpa medical ako na hindi pa nailalodge yung visa application ko. Nauna ipadala ang medical ko ng two days kaysa sa visa application.
Wala naman ako binayaran sa agency ni isang kusing...kaya ok lang, nothing to lose..yung IELTS lang nagbayad ako ng P8600 plus 2k sa one day workshop at syempre ang mga oras ng pag lakad ng papeles....
Yung employment cert ko ay lahat related sa work ko at resume na inaplayan ko sa Australia kaya walang problema dun, kahit tawagan pa nila ang mga refeerence persons doon...
Ngayon nagco-call center muna ako, wala kase trabaho sa karpentero at glazier, walang kontrata ngayon, meron man maliliit hindi ko tinanggap...sayang ng oras... wala na rin akong pera kaya nag sideline sa call center mabuti natanggap naman ako dito sa Makati...(baka may magpapagawa dyan sainyo ng carpenter works at glazier within Metro Manila area, tumatanggap ako ng all kinds of cabinets, windows, built-in bedroom closets or wardrobes. Gumagawa rin ako ng tile floorings at swimming pools, bathtubs at CR tile floorings etc...wala na kase ako pera, ang dami kong binabayaran)
Lahat ng original pepers ko passport at yung original and only certificate ng IELTS ay nasa agency...
Tanong lang, 5th week na ngyon mula nung ni lodge yung application ko ayon sa agency, kung denied ba yun, mas maaga malalaman? or mas maaga malalaman kung approved? alin ba ang mas madali malaman ang result, denied or approved and granted? Thanks...
As far as I am concern, sponsored ako ng employer, kaya nga po nag pirma na ako ng Employment Contract sa Australian employer... ano po ba ang ibig sabihin ng nomination?
Try ko hingiin sa agency ang TRN number para din ma follow up ko online yung progress ng application..
Thanks po sainyo lahat...