<blockquote rel="alchemicus">Hello po,
Ask ko lang po ito, in preparation kung ma-invite man soon: kapag na-invite na po mag-lodge ng visa application, nagpapadala pa po ba kayo ng mga hard copies (certified true copies) ng mga required documents via mail/courier sa DIAC or inii-scan na lang ang mga originals then ina-upload sa website ng SkillSelect?
Kailangan po ba munang ipa-certify true copies ang mga photocopies at ito po bang mga pina-CTC and kailangang ii-scan at i-upload (and not the originals) ?
Hinahanda ko na po kasi ang mga documents ko, at kung required nga na ipa-certify true copy sa notaryo, ay maipagawa ko na dito sa P'nas habang nandito pa po ako (wala po kasi akong mahanap na nagsi-CTC sa Middle East, kung saan po ako nagwo-work ngayon).
Maraming salamat po in advance! (-:</blockquote>
It is just the scanned copy @alchemicus; no need for a hard copy to be sent...
If you can be able to scan it in full color, pwede na hindi kailangan ng CTC'ed copy otherwise, pa CTC mo muna then scan it.
Tama ginagawa mo, you can prepare these now and file it. A few weeks from now when you get invited, mas easier on your part as you will just need to retrieve these files and attach sa application mo.