Good topic. Parati kaming nagdidiscuss ni misis about Filipino traits and I keep on insisting that the root cause is the Philippine Media - Vice, Ganda Kris Aquino, "Bad Boy" Robin Padilla, etc. Tumira na din ako sa US, China at Japan at kapag pala lumabas ka ng bansa ay medo naliliwanagan ka sa mga pwede pang iimprove ng pinas di lang economically pati na din sa mga asal natin.
Filipino in general (not all):
Fail#1. Parati nating pinagtatawanan itsura ng tao, damit, katawan; siguro nga dahil komedyante lang talaga tayo, "more fun in the philippines?". Mali.
Fail#2. Ikinahihiya natin yung mga trabahong meron tayo, ang cell phone na gamit natin dahil kesyo hindi smart phone. Kung ano anong term ang naging nickname ng mga mahihinang klaseng possession. In reality - materialistic tayo. Word like "longkatots" etc are funny, etc pero maling pauso. Mali.
Fail#3. Napakainit ng ulo at sensitive natin sa maling tingin, maling salita, maling tono ng boses. Konting nagkamali lang ay parang di na tayo marunong umintindi at parang susugurin na natin kaagad ang isang tao. Mali.
Fail#4. Karamihan, (95%?) ng mga lalaki ay parating bastos ang topic, dahil yata astig at nakakatawa kapag ganito ang topic ng usapan ng mga lalaki. Mali.
Fail#5. Kung titingnan nyo yung ibang mga forums - gaming, news, social media, etc. Pag may pilipinong sasali, most of the time hindi disente at bastos ang mga tono. Meron dun sa isang gaming community na talagang ni ban na yung mga IPs na pinoy kasi nga masyado ng below the belt ang mga hirit. Iba ang forum na ito, propesyunal, disente at nagtutulungan mga miyembro kaya nga nabuhayan ulit ako ng loob na maging "proud to be pinoy" ulit. π
...
Marami din naman tayong maganda asal kaso minsan naiisip ko lang na natatabunan nitong mga ito. At sana pangarap ko lang sa pinas na merong overhaul sa media natin - topics, TV personalities, movie qualities, etc Palagay ko yung mga "nakakatawang jokes" to the expense of others ay wag na sa TV, siguro sa comedy bar na lang yung mga yun.
Naglalabas lang din ng sama ng loob,
rareking