<blockquote rel="wizardofOz"><blockquote rel="ennairolf">@wizardofOz sana marami makabasa ng thread at posts dito, reminder na masakit sa ulo ang sobrang lakas ng boses at akala kanila mundo pag may kausap personally o sa telepono. Nasa SG ako, mga kaibigan ko na locals naiinis sa sobrang lakas makipag usap ng mga pinoy. But to make their comments light - biniro ko na lang na at least di nyo naiintindihan pinag uusapan nila, eh paano naman ako nabibingi na naiintindihan pa 😛</blockquote>
Tama, I don’t get it na bakit kailangang malakas ang boses… minsan nga kapag meron malakas mag-kwentuhang pinoy, gusto kong lapitan at sabihan ng “Gusto nyo ba ng mic?” or “Kailangan nyo ba ng megaphone?”
I’ve worked overseas, and yung company naming meron ding branch sa Pinas, and everytime na may bisita kaming Pinoy na galing sa Phil Branch, alam na… Ang ingay, kapag may ka-telecon akala mo yung buong office floor yung meeting room nya… umalingawngaw ang boses… makikita mo yung mga locals, napapatayo sa desk nila, hinahanap kung saan nanggagaling yung malakas na boses.
Tapos kapag nasa pantry ganun din, sobrang ingay ng kwentuhan at tawanan, yung ibang locals makikita mo nakayuko na lang at nakakunot ang noo… hindi nila naiisip na yung ibang tao doon baka gustong mag-rest or mag-unwind sandali away from work, tapos ganun yung daratnan mong ingay… Minsan, niyaya ko yung isang friend ko na local na mag-coffee, sabi sakin later na lang daw kasi noisy daw sa pantry…
Again, hindi naman sinabing magpaka-kimi tayong mga Pilipino or maging boring at hindi masaya, sana lang konting konsiderasyon at “class” kasi nasa pampubliko tayong lugar or corporate environment.. Wala tayo sa palengke.. Bow.
</blockquote>
Baka naman excited lang makipag usap sa mga pinoy 🙂