@jedh_g Bro, good question. Hindi ko masasagot yan based on experience kasi hindi ko pa na try mag training dito kahit yung with government subsidy.
Based sa mga kakila ko dito, may ibang edge talaga ang nkapag aral ka dito or yung may local qualifications ka na angkop sa skills mo. Pero, meron din iba na kahit walang qualifications, nkaka-kuha pa rin ng skills-related work in a few months lang. Na-coconsider din kasi ng mga recruiters/ companies ang Skills-related Experiences aside sa Qualifications(Education), which is depende din sa hinahanap nila at a given time.
Si Mrs ko naman ngayon, on-going ang training niya, sabi ng Teacher nila, malaki daw talaga ang advantage na may local qualifications or training certificates sa paghahanap ng job..lalo na yung training school nila ay nka network sa mga companies at dun din sa kanila naghahanap ng work. Pero hindi 100% subsidized ng gov't ang training niya kaya may ilalabas pa rin na pera.
So, kung may pera ka at oras, mas makikita mo na puede mo makuha ang advantage na kumuha ng ilang training courses pansamantala habang naghahanap ng work.
Sa haba ng classes, usually, 2months to 6months ang mga training sa mga Certificate IV courses. Yung mga short courses, like White Card, nsa less than a day lang. Pag ibang short courses, nsa 8 to 30 days lang din.
Kaya icheck mo rin bro kung ano ang puede sa iyo, habang wala ka pa dito. I hope nka tulong ako in any way.