Thank you Lord! And thank you po sa lahat ng sumagot sa mga tanong ko lalo na nung nagcocollate pa po ng documents para po sa ACS submission. Nareceive ko na po ang result today at suitable. 🙂
Ms @RheaMARN1171933 salamat po sa tips and guidance. 🙂 Ito po ulit ako magtatanong po on the results.
Pag po ba naglodge sa EOI, ako (applicant) po ba ang maglalagay kung ilang points ang sa ACS assessment for work experience? Hindi po kasi ako sure kung considered ba yung skilled employment experience ko as 5 years but less than 8 years (10 points) or 8 years (15 points)?
Background:
ACS Assessment: Feb 11, 2020
Suitable After/Skill Level Requirement Met Date: Feb 10, 2012
Employment Dates Assessed: Feb 2012 to Jan 2020
Ito po yung assessment:

Pano po nicacalculate yung number of years experience?
Considered po ba na less than 8 years po ang employment experience ko since yung assessment is until January 2020 lang? or considered na po siya as 8 years since employed pa naman po ako sa current work ko at magpapasa po ulit ng COE?
Maraming salamat po at sa lahat po ng sasagot 🙂 God bless!