@joboumali said:
@fishball1999 said:
@joboumali said:
@engr_gioley08 said:
Hello po, I'm new here.
I'm a licensed ECE but not practicing it. Employed as a Cloud Analyst for 7 years. Saan po daan po ako magpapa assess po? Sa Engineers Australia or ACS po? Salamat
Same case with me, working as software developer for 8 years. Meron na kayang case dito na same na naging positive ang result with ACS?
Hello!
Nagpaassess ako sa ACS as Analyst Programmer last year kaso hindi yung university degree ko ay hindi scope ng ICT. Yung experience ko ang aligned dito.
So nung pa-assess ako, after 3 weeks, nagreply yung Kelly Services (i believe subcontractor ng ACS for skills assessment) na “not meeting ACS educational requirements”. Pero bibigyan daw ako ng opportunity to change application type to RPL (Recognition of Prior Learning).
To complete, kelangan magcomplete ng Project Form (may template sila, set of questions, etc) and pay AUD200.
Binigyan ako ng 30days to submit the RPL.
So ayun, para akong nagthesis haha. At nagspend ng AUD200. Positive ang outcome pero 6yrs of experience lang ang nacount. So hindi perfect score sa category na ito.
PS - in the end, nagpaassess ako for another occupation under vetassess in the hope to get more experience points (which i got!)
Tama po ba, ung result na makukuha from ACS, naka indicate dun kung ilang experience ang icocount nila, then ung equiavalent nun ung makukuha mo sa points? hehe Also may I know na din kung anong occupatioin under vetassess ang kinuha mo? Hindi pa ako masyado nakakapag basa about vetassess, ACS pa lang ang nareresearch ko hehe
Hello @joboumali! No problem!
BS Mathematics ang degree ko.
Under ACS, I applied for Analyst Programmer. 6yrs ang nacredit.
Under Vetassess, I applied for Statistician. 9yrs nacredit. Pasok sa banga!
Yup, naka-indicate sa ACS assessment kung anong yearmonth kanila deemed qualified. So yung experience mo after nun ang makacount na qualified. 🙃
Sa mga nagtataka bat kasi ako nag-ACS: Sarado kasi yung Stat nung mga panahong yun kaya ang feeling ko walang chance na ma-invite pag Stat. Hence, nag-ACS ako 🙃