Wag po kayo panghihinaan ng loob sa sagot ko, ituloy nyo po ang paglipat pero need nyo po iconsider ang inyong mga options.
Hindi po ganun kabilis humanap ng bahay like 2-5days, pero depende pa din po yun sa availability nung unit na gusto nyo. Usually po mabilis na ang 1 week after the application kasi i-approve pa ng may ari yan tapos mag susubmit pa kayo ng documents.
Tama po, most agents po nag rerequire na makita nyo ang bahay at isubmit ang application onsite. Ang pede nyo po gawin, mag check po kayo ng online sites ng mga agent, piliin nyo kung anong unit ang gusto nyo then mag pa sched kayo ng viewing day after kayo dumating sa OZ. Kung gusto nyo na yung unit pede na kyo mag apply onsite during the viewing, pero may mga documents na kailangan kayo isubmit.
About sa Hostel, mag allocate po kayo ng 2weeks to 2months na budget para sure na kung magtagal ang paghahanap ng bahay eh meron kayo bala, pinaka safe po is humanap kayo ng temporary accomodation, shared na bahay for example, hanap po kayo dito sa forum baka meron pede mag offer ng room nila para medyo makatipid.
About sa proof of income, kung kaya nyo po mag open ng account online dito sa OZ habang andyan kayo sa location nyo mas maganda, then tawagan nyo ang bank once maka open kayo and tanong nyo kung pede na kayo mag transfer ng pera, if pede na, mag transfer na kayo. Kasi kung wala po kayo proof of income eh bank statement po ang hahanapin sa inyo, make sure na ang laman ng bank nyo is enough to cover yung living expense nyo dun sa duration na irerent nyo yung unit.
Duration of rent, usually po 6mths or 1year ang contract, meron po iba 3 or 4mths renewable, pag aralan nyo po mabuti kung ano yung lease term na gust nyo, kasi mahirap mag backout later on kung gusto nyo lumipat, usually mag babayad kayo ng 1week rent+termination fee+weeks na walang nakakakuha na papalit sa inyo.
Ideal location, alamin nyo po kung san nyo gusto tumira kung di pa sure kunin nyo po yung pinaka maikling lease term sa bahay parang kung lilipat kayo later on eh maikling time lang aantayin nyo, pero kung maikling term ang pinili nyo iconsider nyo din po na kapag nag renew kayo pede tumaas ang rent nyo, so bago po kayo mag sign alamin nyo na sa agent kung mag renew kayo eh tataas ba ang rent.
Utilities, quarterly po ang alam ko, pero pede nyo gawin monthly. Usually may mga suggested provider na ang agent pero pede naman kayo mag apply sa iba para sa Ilaw or gas. usually po ang water ay sagot ng may ari, di ko po sure sa state na gusto nyo kung ganun din.