Clothes: Pang bahay at Pang alis o Pang work,
dala ka ng isang Tuwalya at isang kumot with punda ng unan
Kung talagang Tipid ka pa ng isang buwan dala ka ng Toothbrush, Tootpaste, Soap Bar, Cotton Buds at Nail cutter,
dalhin mo laptop mo, mobile phone at digital camera
Ang pinaka importante personal documents mo.
kung gusto mo lalo makatipid. wag ka na bumili ng travel Luggage. Bumili ka ng lang ng dalawang balikbayan box sa national bookstore. Bilhin mo yung maliit at hwag malaki para madaling buhatin. bumili ka ng Tape na malaki para ipang tape mo sa kahon ng hindi agad mabutas. May troly naman sa airport kaya di naman problema dalhin. Ang total maximum weight sa baggage ay 23 kilos yung iba 22 or 24 ata. sakto lang ang dalawang maliit ng na balikbayan box. Mag ready ka lang minsan ng coins may airport na kailangan mo mag hulog ng coins 2 Australian dollar para sa troly. bumili ka na lang na hand carry bag na malaki. dun nakalagay ang laptop mo.
Kung kahon ang pinili mo. bumili ka ng bag na gawa sa sako sa Palengke, Bumili ka ng dalawa malaki na mganda ang designed na gusto mo. para kung sakali lilipat ka agad ng matutuluyan. Yung Bag na gawa sa sako gawin mong lalagyan ng damit mo. May nabibili din naman dito yan sa asian store pero walang design, sa Pinas colorful ang design.
Kapag may budget kana staka ka bumili ng travel luggage may mabibili dito halos laging may sale ang gaganda pa. Usually naman ang luggage bihira gamitin kung bihira ka umuwi, Maganda lang yan kapag tour for holiday sa ibang state ng australia o sa ibang bansa.
Ayan po ang practical tip.
cheers