@TTam ang timeline sa pag-apply ng Singapore COC ay 15 working days from the time na nakumpleto lahat ng requirements at payment.. pag foreigner kse kelangan mag-appeal, so may additional 5 days para sa pagreview at pag-approve nung appeal..
Sa BPI kse ako ngpagawa ng bank draft.. ngbakasakali lang ako na tanggapin.. pero hindi lumusot.. kelangan tlaga bank draft from Singapore bank or subsidiary.. so kelangan UOB, POSB, DBS at ibang local banks ng Singapore.. unfortunately, wala silang subsidiary bank dito sa Pinas na may banking services. Yung office ng UOB at DBS dito sa Pinas ay hindi gumagawa ng bank draft.
Kung ayaw mong madelay ng dahil sa payment. Mas mainam na isend mo ung application sa friend mo sa Singapore tapos sila na mgpasa ng forms and requirements tsaka mgbayad.
Yung application ko ng COC ngaun, bank draft yung ginamit ko. Meron kseng UOB Bank sa Thailand, so dun ako ngpagawa ng bank draft since dun based ung hubby ko.