Yung Skills Assessment na yata yung isa sa pinakanakakainip na phase sakin… knock on wood, huwag lang sana may dumating pang mas nakakainip na phase like visa grant or pagkakaroon ng trabaho hehehehe
Everyday noon check ako ng check ng email and status ng mga current applications being processed.
Ang dami ko pang doubts sa application from major things like my Diploma not being in English, sufficiency of COE details, up to simple things like yung quality ng Notaryo sa Pinas na ginawa sa mga docs ko.
Finally after waiting 13wks ni-review na ng EA yung application ko…. nun ko lang nalaman na hindi pala nila na-receive yung IELTS TRF ko kaya dagdag stress sakin… Akala ko kasi maghihintay nanaman ako ng another 13 wks para matapos nila yung assessment. Tapos hindi pa ganoon ka-responsive yung assessor na na-assign sa akin.
Then nung medyo kinodisyon ko na yung utak ko na magtatagal pa yung assessment… Pagbukas ko yung email #BOOM… Assessment result! 🙂
Natulala ako nang konti, medyo teary-eyed at may pag-wwalling na nangyari lol… Nung finally na-receive ko na yung letter (Duplicate pa yun, dahil nawala yung Original!), sarap basahin yung nakasulat sa assessment, it made it all worth lahat ng stress at paghihintay… not to mention yung gastos haha.