Share ko lang din ang Visa Grant experience ko….. 😃
Holiday noon dito kaya puyat-puyat ako the night before, pero nagising pa rin ako ng mga 5:30AM the next day, then check agad ng email sa phone… disappointed kasi wala pa ring email. Basa-basa lang ng konti sa forum then natulog ako uli…
Then habang tulog biglang tumunog yung notification ng 2 cellphone at 1 tablet ko sa kwarto, nagulat ako kasi sabay-sabay na magkakasunod na email.. Biglang alimpungatan napabangon ako agad. Tapos antok na antok pa ako binasa tapos hinahanap ko yung word na “Grant” sa emails..
Then nung mabasa ko na IMMI Grant na nga sya, parang ayaw ko maniwala, kasi feeling ko tulog pa din ako, saka makailang beses na kasi akong nanaginip ng Visa Grant pero wala naman pala hehe…
Then nung gising na ko talaga nun ko lang binasa yung Grant Letter, pero parang di ko maintindihan yung laman, then di ko alam kung magdarasal muna ako, or tatawagan ko Nanay at mga kapatid ko hehehehe
Hindi ko nagawa yung mga nasa isip ko dati na kapag na-grant ako, iiyak ako or tatalon or magsasasayaw… Total disbelief talaga yung naramdaman ko na para bang hindi ako makapaniwala na something this big of a blessing could happen to me. Dati I could only hear na yung iba na-absorb sa US, nag-migrate na sa Canada, nasa Australia na, etc… I can’t believe na ako na ito at nangyayari na rin sakin…
After 5 days nagtravel na ko papuntang Sydney. Wala lang din, pakiramdam ko nagttravel lang ako papuntang Pinas… Pero nung nagsimba at nagdasal na ko sa St. Marys Cathedral and nakita ko yung Australian flag sa loob ng church, doon na bigla nagsink-in sakin na Permanent Resident na ko ng Australia at doon na ko napaiyak, buti may panyo ako, nakakahiya hahahaha