<blockquote rel="bookworm">@TotoOZresident and @JCSantos, mga bosing, question ko din yan, but more specifically, yung mga temp accomodation habang naghahanap ng rental. Hostel? Hotel? San po ang pinaka ok? may marecommend ba kayo?</blockquote>
Nung lumipat ako sa Canberra ( from NSW ) what I did was
A week before travel Nag research ng room for rent sa www.allhomes.com.au ( make a list as many as you can, addresss.. phone number .. kung pwede mo i google map i google mo para me idea ka kung gaano kalayo )
Nag Book ng hotel sa Formule 1 ( baka ibis na ito)
Inisa isa ko yung mga nasa listahan ko ... nung meron na akong nakitang malapit at parang pwede na .. nag bayad na agad ako ... kinabukasan lumipat ako
ganito kadali
Inde po madaling maghanap ng rerentahan as early as today normally mga tao inde papayag kasi loss of income yan ... so ito na yung pinaka effective na paraan
swertihan lang po yung makakuha kayo ng Pinoy na papayag ireserve ang room nila normally first come first serve pero a week lang yung gap ng reservation nyo pwede siguro silang pumayag