Hello mga kabayan. May share lang ako re: NBI clearance. Ang usual procedure ay (1) Humingi ng NBI application card sa Consulate sa Al Qusais (free), (2) Punta sa Dubai CID opposite Al Mulla Plaza for fingerprinting (110AED), (3) The following day, claim the card from the CID and balik sa consulate to notarize the application card (100 per card) (4) After three days, claim the card from the consulate then ipadala sa Pinas para i-apply ng kamag-anak o kakilala sa NBI Taft.
I have nothing against the consulate, pero nagtaka lang ako kung bakit ibabalik pa sa kanila then ipapadala rin pala natin sa Pinas para ipalakad. Initially kasi ang akala ko sila ang magpapadala sa NBI for processing. So what I did was bypass step (3), and ipinadala ko kaagad sa brother ko sa Manila after ma-fingerprint sa CID. Wala namang naging problema sa processing and nakatipid pa ako ng 200 AED (sa aming dalawa ng misis ko) and three days wait.
Also, don't forget to indicate the Purpose as Visa to Australia para magandang tingnan yung clearance. 😃