@lock_code... hahahaha! mami-miss ko ang maraming friendships dito! pati taga-pasaload sa kanto, si my friend eh. lol!
@jvframos... abu dhabi kami. mga kasabayan namin na nag-apply na galing ng UAE dati, settled na sa Aus eh. napag-iwanan na kami. hehe. yan ang disadvantage ng nag-a-apply ng visa tapos wala pa pala pambaon. hehehe. kaya, chill ka lang while waiting for your visa. ipon ng ipon. i assure you, kapag dumating na ang visa nyo, nakaka-overwhelm din kapag hindi ready.
@langgam37... nope, wala. 🙁 lipat lang kami ng room this month (as usual) tapos yan naman ang next target ko, ang mag-collate ng info about agencies at mag-apply online. sana makatisod ng mabobolang employer. 😃 dati kasi, nag-try na ako pero ang sagot sa akin, mag-email na lang daw ulet ako sa kanila (agency) a month before ako magpunta ng Aus para ma-sked nila ako ng possible interviews. pero syempre, i-try pa rin..lab technician pala ako dito sa UAE, sa isang school. CHEng ang application ko sa EA though.
hmm.. so far, heto na nagawa ko ngayon.. magpa-box ng gamit pa-pilipinas. hehe. naku, ang mahal ng pa-ship eh from UAE to Aus eh. kaya pa-pinas na lang muna. tapos, dalhin ko na lang din from there. 30kgs ang baggage allowance naman.
nakakuha na rin pala ako ng ticket. 🙂 naka-open na rin ako ng bank account online. ito yata ang best time to transfer money right now at ang baba ng AUD.
napahaba na ang reply.. sensya na, excited lang. 🙂