Hi mga sis :-) first post ko po ito. July 8 , 2014 po kami nag Lodge ng visa. Tapos na po ako sa medical around September pa. Sept 29 nag email na sila na mag submit ako ng NBI clearance and yung bridal check. Na - confuse kami ng asawa ko. Akala namin marriage certificate lang kailangan naming ibigay. Kasi akala namin sa single lang ang CENOMAR (pag fiancé pa lang). Ang problema, dahil di pa ko actively nagbabasa ng forum noon, tumagal bago finally naibigay namin yung tamang document Jan 14 na :-(
Ang maganda lang, I have a multiple entry tourist visa na ginamit ko Nov 15 to Feb 10 at gagamitin ko ulit this coming July. Pero syempre iba pa din ang spouse visa kasi tuluy tuloy yun at pwede na ko mag work pag ganun.
Sinusubukan ko mag follow up sa embassy at vfs pero parang di naman nila ako mabigyan ng update. Pinatawag ko din yung husband ko onshore pero dahil sa Pinas daw kami nag Lodge, wala din maitulong. ANO BA BEST NUMBER TO CALL PARA MAGFOLLOW UP?
Ang hirap maghintay, ano? I pray na maapprove na tayo :-)