
Just received my PTE exam results! Nag-take po ako kanina lang (November 18), 7:30am. Sa mga kasabayan ko diyan, grabe ang ingay pala talaga!!! HAHA NO OFFENSE! May isang babae dun kanina grabe ang ingay talaga huhu!
First take, naka-Superior po ako! Thank God need ko kasi ito to reach 70 points sa EOI.
Sa mga mag-ttake po, here are some of my personal observations and tips sa loob ng testing center:
1) Sa loob ng testing center, MAINGAY TALAGA. Kaya mag-practice po kayo with background noise (specifically this video: https://www.youtube.com/watch?v=lnGI1NPTIi4). Dapat marunong din po kayo mag-zone out ng ingay.
2) Ang challenging lang talaga is the Speaking part. Lalo na ang daming maingay kanina (no offense kung kayo yun tapos kasabayan ko kayo kanina haha!)
3) Sa Reading and Listening, wag masyadong mag-focus sa mga Multiple Choice questions kasi nakakakain ng time yun.
Experiences with the test:
1) Ang dami kong stutter sa RA (siguro mga 3 items), same with RS (2-3 items din) pero for some reason naka-90 pa din ako sa Speaking di ko ineexpect haha!
2) Challenging ng kaunti yung Reading section sa test ko, kaya yun yung pinaka-mababa ko. Pero at least, Superior pa din.
3) Feel ko nakabawi ako sa WFD, kasi na-perfect ko siya. So maganda din na mabilis kayo mag-type para ma-type niyo as you're hearing the audio.
Good luck po sa mga mag-ttake!