Hi po! Silent reader lang ako dito para makakuha ng tips at lakas ng loob bilang first take po namin. Gusto ko din magshare ngayon dahil laking tulong talaga ng forum na to. Kahapon po yung exam namin June 7, 7pm. Kasabay ko yung husband ko mag take. Ako po yung need maka superior (79+) , siya yung competent (50+). Halos di kami nakatulog waiting for the results...
**I got 90 overall
L 88, R 90, S 90, W 84**
**Si husband got 78 overall
L 73, R 81, S 79, W 75**
Di ako makapaniwala na maka 90 pa. 3 weeks lang po kami nag review kasi hinintay pa namin lumabas yung positive results ng skill assessment (na hindi din kami confident talaga) bago nag asikaso ng PTE. Sabi ng agent namin asikasuhin daw namin agad bago mag end ng June para makapasa kami agad ng EOI dahil baka daw may changes na mangyari after June. Originally, June 14 po kami pero nung medyo familiar na kami sa exam format, nireschedule namin ng June 7 para mas maaga makuha ang results.
1st week po, nanood muna kami ng videos ni Jimmysem para mafamiliarize sa exam format and type of questions. Nagbasa din po ako ng mga recent experiences dito and ginamit ko po yung guide para alam ko kung san kami dapat mag focus bilang limited lang time namin and overwhelming din yung amount of info na pwede aralin. 2nd week nag sign up na po kami sa APE Uni para mag practice. Share lang kami sa isang account and hiraman ng headset. Di po kami consistent everyday bilang full time working mom po ako (pregnant pa with morning sickness haha) and then si husband busy din sa training nya sa work. Bumabawi po kami sa weekends and pag mga gabi na kaya pa ng energy, nag rereview ako til 2am or 3am. Si husband po nagpapractice ng repeat sentence habang nagdadrive. Habang naliligo yung anak ko, nagrereview din ako. Halos puro mock tests na kami ng 3rd week.
Nag avail po ako ng Bronze Package sa pearson website for mock tests. Yung 1st mock test kinuha ko lang nung Tuesday, June 6 ng 2am. Bagsak lahat haha medyo kinabahan ako pero naisip ko baka kulang lang ng pahinga. True enough, June 7 ng morning tinake ko yung 2nd mock test - pasado ang Listening (87) , Reading (85) and Speaking (90) pero yung writing kulang ng 2 points (77) kasi nadistract ako sa anak ko during write from dictation. Pero because of this, medyo confident na ko. Nag relax na ko after the mock test. Umidlip pa ko bago kami magpunta sa Trident.
Ito po yung strategy na ginawa ko per question type:
RA - practice via APE Uni and kahit walang accent basta malinaw ang pagkabasa. Naalala ko may mga mali ako siguro 2-3 words pero direcho lang kahit nagkamali. May instance pa na parang gumaralgal boses ko pero direcho pa din ako sa pagbasa.
RS - practice via APE Uni. Initially dami namin lagi mali dito pero eventually nasanay din kami. Tsaka sa actual exam di po ganon kahaba mga natapat sa akin. May mga mali din ako na 2 items pero tinuloy tuloy ko lang din. Di po ako nag nonotes or write the initials lang kasi magsasuffer naman yung fluency ko. So internalize lang po ang strategy ko dito.
DI and RL - buhay na patotoo din kami ng jimmyssem templates! haha! hirap kami mag memorize nung una pero thru practice naalala ko din. Nung unang mga practice, nagtatry pa ako isulat yung template during RA pero eventually di ko na din kinailangan. Feeling ko nahila neto yung mga scores ko kahit may mali ako sa RS and RA.
ASQ - practice din via APE uni. Answers na po agad chinecheck ko para tipid sa oras, nabasa ko yung tip na yan dito.
SWT - "Albeit s1; but, s2; therefore, s3." Minamaximize ko yung oras at dinodouble check ko yung grammar and spelling kasi yun yung mga usual mali ko during practice. Make sure din na pasok sa 50-70 words.
WE - di na po kami gumamit ng template dito kasi di ko na po kaya imemorize. Memory full na. Haha! Pero finollow ko yung tip ni e2 language tungkol sa structure. Tapos nakita ko din dito yung template from APE uni and kumuha ako ng ilan tips like citing articles or mention ng scientists ganyan. Medyo confident kami dito kasi maganda yung scores namin during practice. Last 2 minutes dedicated to review spelling and grammar.
RW FIB, MC, RP - practice din via APE uni. pero di na ko masyado naka focus dito. Context lang talaga. May mga nagtip na di na need basahin yung buo pero minsan kung kaya naman ng oras binabasa ko pa din para sure lang ako na tama pagkakaintindi ko. Although important din talaga to manage your time kasi hirap din pag nagmamadali na sa bandang huli.
SST - nakuha ko din yung template dito: "The speaker was mainly discussing..." tapos double check lang din yung grammar and spelling and kung pasok sa limit. nagtatype na ko directly sa textarea kesa mag notes.
WFD - nagtatype din ako dito vs notes. and di ko nabubuo yung first few words tapos inaayos ko nalang pagkatapos ng audio. double check din spelling and grammar. Ginawa ko din yung tip ni jimmysem na isulat yung ibang words kung kunwari hindi sure kung past tense ba or plural.
The rest ng listening nakinig lang talaga ako mabuti and remembered the context.
Maingay po talaga during reading section pero focus lang talaga. Maganda naman yung headset nila so kahit papano nafifilter yung bg noise. Sa totoo lang mas maingay at distracting pa din yung anak ko kesa sa bg noise dun sa PTE room haha. Medyo nabother din ako sa mask pero mukhang di naman nakasagabal sa speaking ko. Proven din namin na mababa nga magscore si APE Uni compared sa actual test so wag po kayo madiscourage kung mababa makuha nyo na score during practice. 78 lang highest kong overall score sa APE uni.
I agree din na important ang complete sleep and rest before the exam. Si husband medyo nag cramming pa nung actual day and sabi nya namental block daw sya and nahirapan tandaan yung mga templates namin. Pero salamat sa Dios pasado pa din naman.
Sorry mahaba pero sana helpful. Fresh na fresh pa kasi from my memory. Good luck po sa mga mageexam palang!