
Hello! Silent reader here. Just want to pay it forward and share my experience. Took my PTE exam today and got superior in all sections! Sobrang thank you sa forum na to. Sobrang dami kong natutunan from previous test takers. For me po, important na magpractice kayo. Good investment ang APEuni and Practice test ng PTE. Pricey pero sobrang makakatulong. Tama lahat ng sinabi ng mga nagbigay ng tips. Kailangan niyo talaga magpractice para magauge niyo kung paano yung flow ng exam. Pagdating kasi dun wala na kayo time to read the instructions. Magsusunod sunod na yun.
RA: APEUni practice and mock exam. Kailangan niyo artehan pagpronounce ng words. Not super arte pero alam niyo yun, may accent. Manood din kayo ng jimmyssem tips sa YT. Sa actual exam may ilang words na nabulol ako pero diretso lang.
RS: Pinakamahirap for me nung nagprapractice. Ang hahaba ng nasa mock exam pati sa YT pero pagdating sa actual exam, not as lengthy naman. I agree dun sa mga nagsabi na makinig every day sa YT para mapractice yung brain to visualize yung sinasabi. May ilang items na hindi ko nakuha yung full sentence pero again diretso lang salita.
DI/RL: Gumagana pa rin po ang jimmyssem templates as of writing. Thanks jimmyssem! Sinaulo ko to nung May pa lang then inaapply ko sa mock exams ko sa APEUni. Mababa nakukuha ko pero marami naman nagsabi na iba lang talaga ang scoring ni APEUni.
ASQ: Practiced sa YT and APEUni. Pag wala kayong magawa, iplay niyo lang kasi dagdag GI din haha
SWT: Although, ;but, ;therefore. Make sure to review the spelling, grammar, tenses bago kayo magnext.
WE: Again used Jimmyssem template. Huhu thank you jimmyssem ulit! Use the remaining time to review your grammar, spelling, tenses.
FIB-RW: Review collocations, prepositions, vocabs. Practice lagi sa APEUni. Nung nagmomock exam ako madami din ako mali so nirereview ko after.
MCM-R: Isa lang yung sinagot ko sa actual exam kasi isa lang din ang sure ako hehe
RO: Isa din to sa nahirapan ako nung nagrereview ako pero sanayan lang and ok yung tips ni jimmyssem and E2Language. Practice practice practice.
FIB: Isa sa favorite ko to kasi given na yung words. Ang gawa ko is binabasa ko yung mga options tas lagay lang kung san appropriate. Pag nailagay ko na lahat, irereview ko yung natira kung may possibility bang yun yung mas tamang word dun kesa sa mga nailagay ko na. Minsan kasi tricky yung sentences e.
MCS-R: Kung may time pa, read the whole paragraph, pag wala na time, iscan niyo lang tas hanap keywords then pili na sa choices. Binabasa ko din pala muna yung tanong and sagot para alam ko na yung hahanapin ko pag nagbasa ako.
SST: Use the space provided sa screen then type niyo lahat ng keywords na narinig niyo, if kaya na phrases mas maganda tas iincorporate niyo na lang dun sa sentences na gagawin niyo.
MCM-L: Makinig ng mabuti sa nagsasalita. Ivisualize niyo rin yung sinasabi. Sa mga listening section, pwede niyong iadjust yung volume kasi minsan malakas, minsan mahina.
FIB-L: Important na maiadjust niyo yung volume para marinig ng mabuti if past tense ba ang sinabi or plural ba. Ireview niyo rin ang spelling before clicking next.
HCS: Again making ng mabuti. Nagsulat din ako ng notes sa erasable notepad na binigay tas inintindi ko lang yung sinasabi.
MCS-L: Since hindi pa agad magstastart magsalita, binasa ko muna yung tanong and mga possible answers then inintindi ko lang din yung sinasabi ng nagsasalita.
SMW: Important ulit dito yung volume. Yung natapat sakin parang nasa kweba yung nagsasalita so di ko medyo naintindihan or baka di lang ako sanay dun sa headset ng PTE.
HIC: Again one of my favorites. Practice lang sa APEUni. Ang isang tip ko is wag kayo masyado malapit sa screen para kita niyo yung whole paragraph. Then sundan niyo yung nagbabasa. Minsan mahirap sundan yung mga mabilis magsalita pero try to read with them kasi dun niyo talaga makikita yung mali.
WFD: Since last part na to ng exam, nakakatense! Hehe pero pakinggan niyo lang mabuti. Hindi ako nagdagdag ng words kasi baka mabawasan points ko. Tinatype ko lang yung mga first few letters then inaayos ko yung spelling after. Wag kayo magmadaling magnext, check niyo muna kung tama ba spelling niyo.
APEUni and PTE Practice Exam (Silver Package: Magkaiba ang scoring nila pero for some reason, ang baba ko pa rin sa speaking sa practice test kaya dito talaga ako kinabahan sa actual exam. Inisip ko na lang na baka dahil sa headset ko kaya mababa score ko sa mock exams. Hindi kasi ako bumili ng katulad ng headset na gamit sa PTE. True enough, mabait ngang magscore sa actual exam hehe.
Day itself: Kumain ng mabuti, make sure nakapagcr na bago pumasok ng room kasi wala ng time pag nandun na kayo. May lockers provided and ang dala niyo lang sa room ay susi and passport. Maingay pag madami na kayo sa room pero wag lang kayo magpadistract. Pwede ang jacket sa loob basta cotton though di ko nagamit yung sakin. Medyo maingay yung pagclick sa keyboard pero di naman sobrang nakakabother. Makinig sa instructions ng test admin. And siyempre, most importantly, PRAY . Buong araw akong nagdadasal na bigyan ako ni Lord ng strength, wisdom and makafocus ako ng maigi. Tas after ng exam dasal pa rin kasi kahit tapos na waiting game naman sa results. Nakakaiyak kasi worth it lahat ng pagod and practice. Always be grateful kasi hindi biro ang perang nagagastos para sa English exam kaya gamitin din ng maigi ang mga practice tests. Magbackread din kayo nga mga tips ng mga nakapag take na dito, sobrang helpful non. Masaya akong may ganitong community na nagtutulungan para maabot mga dreams natin. Huhu Thanks guys! Thank you Lord! <3