@cnel_26 thanks! ๐
Eto na yung mga na-share ko na kay @michel_75. Baka di na tama yung pagkakagroup ko ng exam parts. Haha. Kinuha ko lang kasi from our convo.
Kahapon exam tapos kaninang madaling araw yung result. 90 nakuha ko sa lahat. Medyo nagulat ako. Hahaha.
Anyway, hmmm, bumili ako ng gold package set sa pearsons. Very helpful para masanay ka sa pace ng exam.
Speaking
Sa testing ng microphone mo i-set ang lakas ng boses mo. Kung sa pagtest eh understandable na siya, i-maintain mo na yun. May mga kasabayan kasi akong halos sumigaw na. Eh baka malunod lang ng lakas ng boses yung sinasabi mo kaya kalma lang. Tapos pag may mga napapasigaw na, shini-shield ko ng kamay ko yung mic para di makuha yung boses ng sumisigaw.
Basta magsalita ka lang nang magsalita kahit walang kwenta. Hahaha. Wag kang mag-uh, uhm, etc.
Sa repeat sentence, okay lang kahit di mo makuha lahat. Di ko na-perfect yung akin. Basta tuloy tuloy ka lang magsalita at sunod sunod yung words.
Yung format daw kasi pag describe image 1) subject ng image, 2) trend, 3) conclusion. Minsan wala akong conclusion. Haha.
Reading
Hmmm. Wala ako masyadong masabi dito kasi sanay na akong magbasa sa nature ng work ko. Siguro practice ka lang nang practice dito.
Writing
Dito ako nadale sa ielts dati. Haha. Kaya nag-pte ako.
Sa essay, nag-iimbento ako ng facts to support my argument. Hahaha! Kunyare may research, experiment or poll na related sa topic at yung conclusion supports my argument. Nakakahaba rin siya ng write up. Mga 70 to 80 words din ang kakainin niya. Wag ka maingay about this. Baka bawiin score ko. Hahaha!
Tapos, make sure na connected yung thought ng sentences. Gamit ka ng therefore, so, hence, thus, etc. Next paragraph ka na kapag nabuo mo na yung thought sa isang paragraph.
Sa summarize written text, wag na masyadong mahaba. 70 words ang limit pero kahit hanggang 35 ka lang. Nakuha ko yang tip na yan sa youtube. Hahaha. Mukhang gumana.
Sa summarize spoken text. Hmmm. Basta tinatype ko yung tingin ko important tapos edit edit mo na lang pagkatapos nung recording. Di ko rin hinabaan. Hahaha.
Tapos dun sa may select word to complete the text, check mo kung tama ang magiging grammar. Minsan makakapag-eliminate ka na ng 2 words kung alam mong noun, verb o adjective ang hanap. Minsan sa tense pa lang o kaya kung plural o singular form ang hanap.
Listening
Hmmm. Wala rin ako masabi masyado about this. Pero nakatulong yung timed practice exam kasi mas mahirap yun lalo na sa repeat sentence (na covered din ng speaking).