@mirmodepon Salamat po! Ngayon po nagamait ako ng app na nagcoconvert ng spoken words into text para macheck ko kung narerecognize ba ng computer yung way ng pagsasalita ko. Ayun lalo po akong kinabahan kasi may mga word na hindi narerecognize from me.
Last exam ko po, medyo aminado ako na kulang ako sa pagcheck ng mic and sa pagcheck kung okay ba yung recording ng boses ko. Ano po ba yung additional tips nyo pagdating dito?
Sa Read Aloud, ginawa ko rin po yang pagpractice before recording. Pero ang pakiramdam ko masyado po akong mabilis at mahina magsalita kaya I ended up sounding siguro na malamya at kulang ng conviction.
Sa Describe Image and Retell Lecture, ang naisip ko po ay naapektuhan talaga ng husto yung oral fluency ko kasi medyo nagfocus ako na magsabi ng madaming details that's why I ended up na nagmamadali at alanganin lagi ang tapos. . At hindi po ako gumamit ng template sa Describe Image.
Ayun po. Sobrang bothered ako na isipin na kahit todo effort na ako, baka ang ending hindi parin ako marecognize nang maayos ng machine. Hay! Pero positive parin kasi onting kembot nalang exam ko na! Sama niyo po ako sa prayers nyo ha.