<blockquote class="Quote" rel="vanessajoy">@jaceejoef thank you very much po.nakapag browse din po ako sa ng ibang site na mention sa thread na ito.medyo iba yung format sa ielts.parang wala nga akong makitang review center dito sa area namin na review center for that exam.
Kamusta po experience mo sa pte aside sa nakita ko na konting konti na lang ok na score mo firts take?</blockquote>
experience ko sa exam, kailangan talaga prepared ka. hindi pwede na memorize mo lang ang techniques, methods, template, etc. dapat alam mo talaga siya paano gawin at nagpractice ka talaga.
pero alam mo na siguro yan kaya eto na lang kwento ko.
matigas ang keyboard. parang typewriter ang gamit ko. malalambot ang mga keyboard na nakasanayan ko kaya ang hirap mag type.
ang headset na gamit ko built-in ang mic sa left side ng headset. sabi ng karamihan dito pinaka-effective na position ng mic sa may ilong or sa chin banda pero ako that time hindi ko alam kasi ang ini-expect ko separate ang mic sa headset. so nagtest lang ako ng nagtest until sa alam kong narerecord ang boses ko ng maayos.
maraming nagsasabi na mas maganda mauna para makuha mo ang "solo room" pero hindi ka naman talaga isolated sa ibang test takers kasi naka bukas pa rin ang pinto ng room so rinig mo pa rin ang iba. and dahil maganda nga daw kung nandun ka sa "solo room" mga 1.5 hours before exam nandun na ko pero may nauna sakin ng 10 mins.
and speaking of noise, hindi ko alam sa iba pero hindi ko napansin ang ingay. naka-concentrate kasi ako sa exam kaya di ko napapansin ang iba. parang background noise lang. pero ang iba sabi nila nadidistract daw talaga sila. depende lang ata sa tao yun.
sa exam naman, search mo sa youtube "pte full" para ma-try mo ang buong exam then assess yourself kung san ka mas nahihirapan. dun ka mag concentrate. also search in youtube "E2 PTE" kasi maganda ang videos nila. pero of course familiarize mo muna ang format ng pte.
yun lang 🙂