Hi guys! Share ko lang, graduate na ko sa PTE! yehey! Salamat sa mga tips and sa reviewers. @jedh_g salamat po sa materials & @batman sa templates! laking tulong talaga.
Baka makatulong lang sa iba gusto ko den ishare. 2 takes ako ng PTE, sablay yung unang speaking ko. Mejo tiwala ako na papasa ako kasi mejo mataas naman yung mock exam ko. Nagulat talaga ko nung paglabas ng results, 55 yung speaking ko. Wala magagawa kaya book nalang ulet ng next avail sched.
Sa tingin ko eto ang naging problem ko. Sobrang kabado ako non, tapos hindi ko namamalayan nahahawakan ko yung mic. Nasanay kase ako na earphones yung gamit ko kapag practice and mock exam na mejo nilalapit ko para mas malakas. Na realize ko lang cya nung patapos na yung speaking. Nung next take ko, sinigurado ko yung kamay ko hindi na malikot! hahaha.
Sa read aloud ang ginawa ko natural tone. Sa describe image nagkabisado ako template. Kapag mejo complicated ang graph, high and low lang tapos conclusion na. Sa repeat sentence, hindi ko den nakuha lahat, siguro 5 lang out of 10, ang diskarte ko dito kung ano lang naalala ko inulit ko tapos dapat kahit alam mong di complete, confident ka pa den. Sa retell lecture mejo kinabahan ako kase yung pen di gumana saken, so habang nagpe play na yung recording nakataas na kamay ko. Napalitan yung pen ko tapos na yung recording. Buti nalang me mga nakasulat sa image, kahit di ko naintindihan masyado yung lecture binasa ko yung nakasulat na parang naintindihan ko kahit hindi lols. HIndi ko tinapos yung 40 secs dito, kapag wala nako masabi tinatapos ko na.
Ayun lang, maraming maraming salamat talaga sa mga walang sawang nagpopost dito! Sa mga magte take pa, kaya yan! Review, practice & maraming dasal!