@xiaolico Nag-enroll ako sa e2language and I can say na sobrang effective nung mga webinars and practice tests nila. Yung speaking, I can vouch na very effective yung mga templates dito. Tapos yung repeat sentence nila medyo nadalian ako, unlike nung mock tests na meron akong mga hinulaan na lang talaga. Tip ko lang dito e derecho lang kayo kahit mali yung nasasabi nyo. Tapos wag kayo papadistract sa lakas ng boses ng mga katabi nyo.
Sa writing naman, ang ginamit kong format sa essay e yung kay e2language na Opening Paragraph/Agree 1/Agree 2 or Disagree 1/ Conclusion. Tapos napansin ko nung first mock test ko, around 220 words lang ginawa ko sa essay tapos nagscore lang ng 78. Sa second mock test ko, ginawa kong around 290 words, naging 89 sya. So I guess mag aim na lang ng 270-300 words para siguro mataas yung makuha.
Medyo kinabahan ako sa reading kasi 69/79 lang ako nung mock tests e ine-aim ko talaga yung superior pero sinwerte naman ako. Sobrang nagmadali lang ako kasi ayokong maubusan ng oras kaso yung, meron akong natirang 12mins. Budget your time na lang para mamaximize nyo sya.
Sa listening, para sakin e mas madali to kesa mock tests. Focus lang talaga.
Eto yung scores ko sa mock/actual tests para makita nyo yung trend.
Jan 7, 2017 - Mock Test A - L78/R69/S76/W78
Jan 28, 2017 - Mock Test B - L90/R79/S82/W89
Jan 30, 2017 - Actual Test - L90/R90/S90/W90
Goodluck sa mga magtetake, kung ako kinaya ko, alam kong mas kakayanin nyo!