thank you sa lahat ng comments shared on this discussion. Salamat din kay @batman and @Heprex.
I passed the pte-a last jan23. (l/r/s/w-89/83/90/77). I modified yung mga templates shared by batman and heprex para magfit sa akin. Share ko lang yung sa speaking ko, hindi naman ganun ka-loud yung voice ko. Worry ko kase baka sobrang loud ng voice na hindi na ma-gets ni computer dahil sabog na yung dating sa kanya. Parang ang sensitive kase nung settings. Sa testing ng headset, initially naka-set sa middle yung level ng sound, sobrang lakas kaya I lowered it down. Same sa mic. Kaya parang malakas lang ng konti yung voice ko compared sa normal conversation ko. Hindi din ganun kalapit yung mic sa mouth ko. May parang intensity meter din displayed dun sa read aloud where you can see the intensity level of your voice. I downloaded yung speechnotes -speech to text on my mobile for practice sa speaking. I suggest this para macheck mo if nacapture ng computer yung words mo. Then I tried yung online desktop version sa google chrome nung papalapit na yung exam para mafeel din na nakababad ka sa headset. (nabasa ko lang dito na meron pala siya free online version, not sure if batman or heprex nagcomment, hehe). Gamit ko is yung genius headset when practicing. 270pesos yata yun. hehe. May video yung e2language ng pronunciation of words. Maganda din siya reference. AIso, I say the words na macapture dun sa speechnotes.co kahit hindi slang yung pagkasabi ko. Yung templates mahalaga dahil time-based yung exam. Sabi nga dun sa e2language, kahit native english speaker mahihirapan without template. Yung less difficult questions are nasa last part of every sections ng exam. That's all. Again thank you! π